Sinimulan na ng Actress at TV host Pauleen Luna ang preparasyon para sa kasal nila ng komedyanteng si bossing Vic Sotto.
Sa isang Instagram post, pinasilip ni Pauleen sa kanyang fans at followers ang pakikipag-usap niya sa kanyang wedding coordinator.
Aminado naman ang aktres na magkahalong kaba at tuwa ang kanyang nararamdaman at excited na rin siya na maging misis Sotto.
Sa kabila nito, hindi pa rin idinedetalye ang eksaktong petsa ng pag-iisang dibdib ni Bossing at Poleng na posible namang maganap bago magtapos ang taong 2015 o sa unang bahagi ng Enero 2016.
By: Drew Nacino