Aminado si Danica Sotto-Pingris na napalapit na ang kanyang loob sa pangalawang asawa ng kanyang ama.
Sinabi ni Danica na nakita niya kung paanong inaalagaan ni Pauleen Luna si Vic Sotto lalo na pagadating sa kalusugan.
Ayon kay Danica, naiilang siya noong una kapag nasa mga pagtitipon ng pamilya si Pauleen.
Ngunit nakita niya, aniya, kung paanong nakisama sa kanilang lahat si Pauleen at nagsumikap na mapalapit ang loob nila sa kanya.
Sinabi ni Danica na natutuwa siya dahil natural na naging close sila ni pauleen at hindi na kailangang pilitin pa.
By Avee Devierte