Mas mahaba pa ang nagiging termino ng mga barangay officials kaysa sa pangulo ng bansa.
Binigyang diin ito ni Senate President Vicente Tito Sotto, III makaraang igiit na dapat nang tuldukan ang paulit ulit na pagpapaliban ng barangay election subalit mabuti ring tanungin si President Elect Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. hinggil dito.
Sinabi naman ni Senador Imee Marcos na dahil may bago nang pangulo ng bansa, mas makabubuting ituloy na ang Barangay Election sa Disyembre para may bago ding hatol sa mga nasa baba at magkaroon ng suporta ang bagong administrasyon sa mga bagong barangay officials
Mayroon naman na aniyang budget para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. —-sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)