Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sumusunod ang lahat ng mga kumpanya sa direktiba ng ahensya hinggil sa minimum health protocols kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Bello, ito’y batay sa paunang 45,000 mga kumpanya o establisyimento na kanilang ininspeksyon —lumalabas na wala pang lumalabag sa kautusan ng ahenysa.
Meron na kaming mga ilang libo na inexpect na mga workplaces, wala pa namang nakitang establishment na hindi sumunod,” ani Bello.
Alinsunod kasi sa ibinabang direktiba ng Labor Department, inaatasan nito ang mga kumpanya o establisyimento na gawin ang ilang hakbang para mapanatiling ligtas ang kani-kanilang tanggapan sa banta ng virus, maging ang mga tauhan nito.
Pagdidiin pa ni Bello, oras na hindi sumunod sa umiiral na kautusan, ay maaaring i-rekomenda ng ahensya ang pagtigil ng operasyon ng mga lalabag na kumpanya o establisyimento.
We can recommend the stoppage of operation —’yung nagpapasok ng COVID, COVID ‘yan, e, di na-contaminate ang buong workforce, kawawa naman ang mga workers natin,” ani Bello. —sa panayam ng Ratsada Balita