Inihayag ng pamunuan ng Department of Health (DOH) na gagamitin nito ang kanilang savings para bumili ng Sinovac COVID-19 vaccines mula China.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Fransciso Duque III, sa ngayon 50,000 doses muna ng bakuna ang babayaran ng ahensya.
Mababatid na matapos itong i-anunsyo ni Duque sinabi rin ng Food and Drug Administration (FDA) na nag-isyu na ito ng emergency use authorization(EUA) para sa bakunang gawa ng Sinovac.
Sa datos, ani FDA Director General Eric Domingo na ang efficacy rate ng naturang bakunang gawa ng Sinovac ay naglalaro mula 65.3% hanggang 91.2% sa mga indibidwal na edad 18 hanggang 59 na taong gulang.