Hawak na ng Malakaniyang ang desisyon ng Human Rights Victims Claims Board na nagbibigay ng partial monetary reparation para sa mga biktima ng Batas Militar.
Ito’y makaraang aprubahan ng claims board ang nasabing kumpensasyon para sa 4000 eligible claimants na kanilang isinailalim sa screening.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hiniling ng claims board sa National Treasury na ipalabas na ang pondo na nagkakahalaga ng 300 Milyong Piso bilang paunang kabayaran.
Una rito, nagpasaklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong SELDA o Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto para mapabilis ang pagbibigay ng kumpensasyon sa mga biktima ng karahasan nuong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
By: Jaymark Dagala