Positibo ang resulta ng paunang pag-aaral kung maaring gamiting gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang virgin coconut oil (VCO).
Ayon kay Dr. Jose Mondejar, medical director ng Equilibrium Integrative Health Clinic, sa 69 na pasyente ng COVID-19 sa Cebu na nabigyan ng VCO, 45 dito ang nagnegatibo na sa COVID-19 sa loob lang ng dalawang lingo, samantalang ang 24 ay hindi na nagkaroon ng matinding sintomas.
Sampung (10) tauhan naman ng Cebu Provincial Detention Center na may COVID-19 ang mabilis na nagnegatibo sa loob lang ng lima hanggang pitong araw matapos mabigyan ng VCO.
Sa ngayon anya ay hinihintay pa nila ang resulta ng pag-aaral na ginagawa naman ng Philippine General Hospital (PGH) at mga researchers sa Sta. Rosa, Laguna.
Iminungkahi ni Mondejar na palawakin pa ang pag-aaral dahil maliit na samples lamang ang nabigyan nila ng VCO sa Cebu City.