Nag-alok ng P200,000 hanggang kalahating milyong pisong pautang sa maliliit na negosyo ang The Small Business Corporation, isang korporasyon sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Ma. Luna Cacanando, pangulo at CEO ng The Small Business Corp., kwalipikado sa programang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) ang mga kumpanya na nag-ooperate na ng isang taon bago ang lockdown nuong marso.
Sa ilalim ng CARES, ang mga negosyo na may asset size na P3-M ay maaaring makahiram ng hanggang P200,000.
Kalahating milyon naman ang maaaring hiramin ng mga negosyo na may asset size na hanggang P15-M.
2% lamang anya ang interest rate ng pautang na puwedeng bayaran sa loob ng 30 buwan at may grace period pa na anim na buwan.
Samantala, ikinakasa na rin ng The Small Business Corp. ang loan program para sa mga OFW’s kung saan maaari silang makahiram ng hanggang P100,000.