Maghahain ng apela sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para payagan silang pasukin ang Taal Volcano Island.
Ayon kay PAWS Executive Director Anna Cabrera, target nilang mapuntahan ang isla at mailikas ang mga alagang kabayo na naiwan doon.
Kasunod na rin aniya ito ng lumabas na video kung saan ilang mga residente ang saglit na bumalik ng Taal Volcano Island at nakitang buhay pa ang ilan sa kanilang mga alagang kabayo.
Sinabi ni Cabrera, umaabot sa 3,000 ang bilang ng mga alagang kabayo sa Volcanic Island na ginagamit bilang transportasyon ng mga turistang nagtutungo doon.
‘yung PETA, animal rights organization ‘yon, they were willing to get all those horses and ma-evacuate, kaya lang, they weren’t allowed to go on to the island, hindi nila ma-reach, so, mag-aapela kami ngayon, ‘yun ang priority namin for the day —to try to reach kung sinuman para i-allow man lang na makuha pa ‘yung mga kabayo na ibang nandoon, kaya lang isa-isa silang ililikas —isa-isa sa bangka,” ani Cabrera. —sa panayam ng Ratsada Balita