Inihahanda na ng PAWS o Philippine Animal Welfare Society ang kaso laban sa film makers ng “Oro” dahil sa kontrobersyal na eksena na tunay na aso umano ang kinatay sa nasabing film fest movie.
Ayon sa PAWS, kabilang sa mga plano nilang kasuhan ay ang director at producer ng naturang pelikula, habang patuloy pang iniimbestigahan ang naging partisipasyon ng crew at ng mga artista.
Nauna nang nanawagan ang PAWS sa FDCP o Film Development Council of the Philippines at MMFF Executive Committee na i-secure ang raw footage ng pelikula para sa kaukulang imbestigasyon.
Sa ilalim ng Animal Welfare Act, ipinagbabawal ang pagmamalupit sa mga hayop at kabilang sa ipinagbabawal ang pagpatay sa aso para sa kanilang karne.
By: Meann Tanbio