Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay ng pay rules para sa mga manggagawa papasok sa trabaho sa dalawang deklaradong regular holidays ngayong buwan.
Ito ay ang paggunita sa Eid’l Ftr sa Hunyo 5 at Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.
Sa ipinalabas na abiso ni Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabi nito na makatatanggap ng 200% ng kanilang sahod para sa unang walong oras ang mga manggagawang mag-rereport sa trabaho sa mga nabanggit na holiday.
Habang makatatanggap ng karagdagang 30% ng kanilang hourly rate ang mga magtatrabaho ng lagpas sa walong oras.
Karagdagang 30% naman para sa 200% ng kanilang sahod ang mga papasok sa trabaho sa regular holiday na matatapat naman sa kanilang rest day.
Samantala, makatatanggap naman ng 100% ng kanilang arawa ng sahod ang mga hindi papasok sa mga nasabing araw.