Pinayuhan ng isang political analyst si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na huwag nang maging dependent sa endorsement ni Pangulong Noynoy Aquino para sa halaang 2016.
Iginiit ni Center for People Empowerment in Governance Board Chair Bobby Tuazon, ito ay dahil sa maaari aniyang maging disadvantage sa bahagi ni Roxas.
Paliwanag ni Tuazon, mas pinipili ngayon ng mga botante ang mga kandidatong malakas at politically independent.
Matatandaang hanggang sa ngayon ay kakaunti pa rin ang iniaangat ni Roxas sa mga survey at tuluyan nang napag-iwanan sa ratings nina Senadora Grace Poe at Vice President Jejomar Binay.
Endorsement
Tila nasa alanganing sitwasyon ngayon si Mar Roxas na makuha ang endorsement ni Pangulong Noynoy Aquino para sa 2016 elections.
Ayon kay Center for People Empowerment Board Chair Bobby Tuazon, ito ay dahil kinakausap ni Pangulong Aquino si Senadora Grace Poe na nangungun na ngayon sa mga presidential survey.
Ipinaliwanag ni Tuazon na kung sigurado na ang pangulo kay roxas ay hindi na aniya dapat ito kumausap o maghanap pa ng posibleng mamanukin sa 2016.
Gayunman, binigyang diin ni Tuazon na sa kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas, wala naman gaano bigat ang pag-eendorso ng isang Pangulo sa kandidatura ng isang pulitiko.
By Ralph Obina