Hinikayat ng Department of Health ang publiko na sa outdoor o open spaces na lamang magsagawa ng christmas party.
Inihayag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na dapat ding tiyaking walang mga sintomas ng covid-19 ang mga dadalo sa mga nasabing aktibidad at bakunado.
Ito’y upang maiwasan ang hawaan ng covid-19 at iba pang uri ng sakit.
Pero kung hindi naman anya maiwasan na magdaos ng party sa kulob na lugar, dapat buksan ang mga bintana at pintuan upang may hangin pa ring pumasok o magkaroon ng maayos na bentilasyon.
Batay sa kasalukuyang datos ng DOH, aabot na sa 73.7 million ang mga fully vaccinated laban sa covid-19, kabilang ang 21 million na tinurukan ng booster.