Pinayuhan ng Malacañang si Senadora Leila de Lima na kusang magbitiw na lamang bilang senadora kaysa lalong mapahiya pa sa publiko.
Ito’y ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo kasunod ng pag-amin ni De Lima sa relasyon nito sa kanyang dating driver at bodyguard na si Ronnie Dayan
Giit ni Panelo, pinatunayan lamang ni De Lima na tama ang naging akusasyon laban sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang posibleng ikapamahak ng kanyang karera sa larangan ng pulitika.
Maaari aniyang gawing batayan ang pag-amin ni De Lima para mapatalsik ito bilang senador sa ilalim ng Ethics Committee ng senado at maaari ring ma-dis bar bunsod naman ng usapin ng immoralidad.
Malinaw aniyang nagsisinungaling si De Lima nang paulit-ulit nitong itanggi ang naging paratang ng Pangulo ngunit sa kalauna’y aaminin din pala.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)