Hindi dapat matakot si Ombudsman Conchita Carpio Morales na isulong ang kaso laban kina Pangulong Benigno Aquino III at Budget Secretary Butch Abad sa isyu ng Disbursement Acceleration program (DAP).
Payo ito ni Kabataan Partylist Representative Terry Ridon kay Morales.
Sinabi ni Ridon na hindi makakaligtas ang Pangulo sa pananagutan dahil uubra na itong kasuhan pagkatapos ng kaniyang termino sa susunod na taon.
Hindi aniya dapat bumigay sa anumang pressure si Morales gayundin ang buong tanggapan para tuluyang mapanagot si PNoy at Abad sa DAP.
By Judith Larino