All systems go na, anuman ang mangyari, para sa Inaugural 3-on-3 Season ng pba sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, sa susunod na Sabado, Nobyembre 20.
Ang PBA 3 on 3 Tournament ay six-leg, three-conference format na katatampukan ng tatlong grand finals.
Aminado si Tournament Director Joey Guanio na nakalatag na ang contingency plans sakaling ibalik ang Metro Manila sa level 3 pagsapit ng November 21.
Kabilang sa mga pasok sa listahan ng lineups ng 13 kalahok na team sina Veterans Mac Cardona, Larry Fonacier, Dylan Ababou, Matt Salem, Val Acuña at La Revilla.
Ang 13 teams ay ang Barangay Ginebra, TNT, Northport, Sista Super Sealers, Meralco, Platinum Karaoke, Cavitex, Zamboanga Valiente, Terrafirma, Pioneer Pro Tibay, Limitless App, Purefoods at San Miguel Beer. —sa panulat ni Drew Nacino