Wagi ang Gilas Pilipinas kontra PBA All-Stars Visayas sa iskor na 125-112 para sa final leg ng 2017 PBA All-Star week na ginanap sa Hoops Dome sa Cebu.
Pinangunahan ni Calvin Abueva ang panalo ng Gilas kung saan nakapagbuslo siya ng 26 points at pitong (7) rebounds.
Kumamada naman ng labing-siyam (19) na puntos si LA Tenorio para sa PBA All-Star Visayas at apat (4) na assists, habang si James Yap ay umiskor ng 18 points at 17 puntos naman ang naiambag ni Jeff Chan.
Samantala, itinanghal si Terrence Romeo bilang most valuable player.
By Meann Tanbio
Photo Credit: PBA Images