Lalo pang lumaki ang tiyansa ng koponang Meralco Bolts na makapasok sa PBA Playoffs dahil sa twice to beat advantage.
Ito’y makaraang pataubin ng Bolts ang koponang Phoenix Fuel Masters sa iskor na 81-66 kung saan bumida si Base Amer na nakapagbulso ng dalawampung (20) puntos.
Dahil dito, nasa pitong (7) panalo at isang (1) talo na ang kartada ng Bolts habang tatlong (3) panalo at limang (5) talo naman ang sa Phoenix.
Samantala, taob ang koponang NLEX Road Warriors sa kamay ng Blackwater Elite sa iskor na 104-98.
Bumida sa nasabing laban si Greg Smith ng Blackwater nang makapagbulso siya ng dalawampu’t apat (24) na puntos gayundin si KG Canaleta habang dalawampu’t dalawang (22) puntos naman ang naibuslo ni Mike diGregorio.
Dahil dito, dalawang (2) panalo at anim (6) na talo na ang kartada ng Blackwater habang bokya naman sa kartada ang NLEX sa nakalipas na walong (8) laban nito.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: PBA Media Bureau