Magbabalik hard court na ang inaabangang bakbakan sa Philippine Basketball Association (PBA) ngayong araw.
Ito’y kasunod ng matagumpay na pagsasagawa ng PBA ng kanilang bubble tournament na hinango sa konseptong ginawa rin sa NBA.
Ganap na alas kuwatro mamayang hapon bubuksan ng TNT Tropang Giga at Alaska ang pagbubuksa muli ng pba na susundan naman ng paghaharap ng Brgy. Ginebra at NLEX ganap na alas 6:45.
Napili ang Angeles University sa Pampanga na siyang pagdausan ng PBA bubble tournament subalit gagawin itong closed door bilang pag-iingat na rin sa banta ng COVID-19.