Naungusan ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings ang TNT Katropa sa nagpapatuloy na 2017-2018 PBA Philippine Cup.
Pinataob ng Ginebra ang Katropa sa score na 93-78 sa kanilang paghaharap sa Araneta Coliseum, kagabi.
Kapwa naging maatikabo ang naging bakbakan nina LA Tenorio at Jayson Castro na dalawang pinakamahusay na guwardya sa liga.
Kumamada ng double-doubles na 27 points at 11 assists si Tenorio para sa Gin Kings habang nag-ambag ng 17 points si Castro para sa TNT.
Hawak na ng Gin Kings ang kartadang 5-4 at nananatili sa ika-walong puwesto habang nasa 6th spot ang Katropa sa standing na 4-5.
—-