Aarangkada na mamaya ang inaabangang banggaan ng defending champion na Star Hotshots at number one seed na Alaska Aces sa kanilang best of five PBA Governor’s Cup semifinals series.
Kumpiyansa ang beteranong coach na si Tim Cone na masusungkit ng kanilang koponan ang unang panalo sa pangunguna nina star import Marqus Blakely, dating two time MVP James Yap, Marc Pingris at PJ Simon.
Samantalang nakasandal naman ang Alaska kina Calvin Abueva, J-Vee Casio, Sonny Thoss at sa kanilang import na si Romeo Travis.
Matatandaang tinalo ng Alaska ang Hotshots sa huli nilang paghaharap noong Mayo sa iskor na 92-86.
By Ralph Obina