Nakahanda ang Philippine Basketball Association (PBA) sakaling lumala ang kaso ng Omicron variant sa bansa.
Ito ay matapos payagan ang kanilang mga fans na personal na makapanood ng laban sa loob ng gym o court.
Ayon kay Pba Commissioner Willie Marcial, handa nilang sundin ang anomang kautusan ng gobyerno sakaling ipatupad ang semi-bubble dahil sa banta ng panibagong variant ng Covid-19.
Welcome naman sa pba sakaling turukan ng booster vaccine ang mga manlalaro. —sa panulat ni Angelica Doctolero