Asahan na ang paglawak ng Korean Wave sa Pilipinas sa ikinakasang kasunduan ng Philippine Basketball Association (PBA) at Korean Basketball League (KBL).
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nakipag-ugnayan na sa kanila ang KBL para palakasin ang pagkakaibigan ng dalawang liga.
Nais anya ni KBL President Kim Hee-Ok na pag-usapan ang isang posibleng programa sa pagpapalitan ng mga manlalaro ng dalawang liga.
Nakipag-ugnayan na rin si Marcial sa Board of Governors hinggil sa plano ng KBL at nakuha ang pag-apruba ni PBA Chairman Ricky Vargas na makisali sa korean league.
Agosto noong nakaraang taon nang ihayag ng KBL na palalawakin nito ang kanilang asian player quota sa 2022 Season.