Pinayagan na ng IATF ang Philippine Basketball Association (PBA) na isagawa ang kanilang 46th season.
Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dapat sumunod ang PBA sa mahigpit na health and safety protocols na nakasaad sa mga panuntunan ng games and amusement board.
Una nang inihayag ni Gab. Chair Baham Mitra na ang PBA Season 46 ay gagawin sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa ilalim ng closed circuit, semi bubble set up.