Planong gumawa ng partnership sa National Basketball League (NBL) ang Philippine Basketball Association (PBA).
Kasunod ito ng naganap na online meeting sa pagitan ng dalawang partido na dinaluhan ni NBL Commissioner Jeremy Joeliger; NBL General Manager Government Relations Tristan Russel; PBA Commissioner Willie Marcial; PBA Deputy Commissioner Eric Castro; at Social Media Chief Mich Flores.
Tinalakay sa meeting ang 7-point program na may layuning magkaroon ng exhibition matches sa pagitan ng mga team kung saan, magdadala ng atleta o all-star selection ang NBL para maglaro sa Pilipinas at vice versa.
Bukod pa dito, napag-usapan din ang mga liga, coaching, basketball clinics, outreach programs at game hosting sa mga kompetisyon.