Pinag-aaralan na ng Philippine Basketball Association (PBA) na ipagpatuloy ang 2021 Philippine Cup sa pamamagitan ng semi-bubble set-up sa lalawigan ng Pampanga.
Ito’y ayon kay PBA commissioner Willie Marcial.
Ayon kay Marcial, a ng pagsasagawa ng semi-bubble ay kanilang kinokonsidera na opsyon.
Ito ay malayo sa naisagawa nila taong 2020 All-Filipino conference, nakagastos sila ng 70 million pesos.
Paliwanag pa ng PBA na sasagutin ng bawat koponan ang gastusin ng kanilang bawat manlalaro.
Matatandaang nitong Agosto 3 ay pinagpaliban ng PBA ang kanilang mga laro dahil sa banta ng COVID-19 at ng delta variant.—sa panulat ni Rex Espiritu