Posibleng halos isang taon munang magpahinga sa PBA si Magnolia Star Marc Pingris.
Mismong ang orthopedic surgeon na tumingin kay Pingris ang nagsabing kailangan ng pangmatagalang gamutan sa ACL injury ng Magnolia star.
Maaaring magpahinga muna si Pingris sa paglalaro ng anim hanggang walong buwan matapos itong isailalim sa operasyon.
Ang ACL o anterior cruciate ligament ay isa sa mga pangunahing ligaments na tumutulong para mapatatag ang knee joint.
Nagpasalamat naman ang PBA star sa mga nagdasal para sa kanya at kanyang pamilya.
—-