Tinanggap na ng pamunuan ng Philippine Basketball Association o PBA ang pagbibitiw ng pangulo nitong si Chito Salud.
Dahil dito, itinalaga bilang Interim PBA President at CEO si San Miguel Representative at PBA Board Chairman Robert Non.
Sinasabing inalok ang puwesto sa 12 board members, subalit wala umanong gustong tumanggap dito.
Ayon naman kay Non, maghahanap na ang board ng kapalit ni Salud dahil epektibo na sa Disyembre 31 ang resignation nito.
By Jelbert Perdez