Nakatakda ng simulan ngayong araw ang ika-44 na season ng PBA o Philippine Basketball Association na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Malalaman din mamaya, dakong 4:00 ng hapon kung sino kina June Mar Fajardo ng San Miguel Beerman at Stanley Pringle ng Northport Batang Pier ang tatanghaling season 43 most valuable player sa gaganaping 43rd Leo Awards.
Susundan ito ng season 44 opening ceremonies at philippine cup opening game sa pagitan ng Barangay Ginebra at Talk ‘n Text.
Samantala, target naman ng Ginebra ang isang buwena manong panalo para sa pagbubukas ng panibagong season ng PBA.