Niresbakan ng TNT Katropa ang defending champion Barangay Ginebra San Miguel sa Game 2 ng best of 5 series ng 2017 PBA Governor’s Cup semi-finals.
Itinabla ng TNT ang kartada sa 1-1 makaraang malusutan ang Gin Kings sa score na 103-96 sa kanilang sagupaan sa Batangas City Coliseum, kagabi.
Nagpakawala ng 21 points para sa Katropa si Glen Rice Junior habang kumamada ng 25 points si Justin Brownlee para sa Barangay Ginebra.
Bagaman na-bangko si Rice sa first half dahil sa apat na foul, iniangat naman ng kanyang mga teammate na sina Jayson Castro, Troy Rosario at Roger Pogoy ang TNT as third quarter.
Nag-ambag si Castro ng 20 points habang 16 points sina Rosario at 14 points si Pogoy.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Game 3 sa Araneta Coliseum, sa Sabado.
—-