Suportado ng Philippine Basketball Association ang Gilas Pilipinas na naghahanda ngayon para sa FIBA World Cup Qualifiers, Vietnam 31st Southeast Asian Games at China 19th Asian Games para sa 2022.
Sinabi ni PBA Chairman Victorico “Ricky” Vargas, na hindi nila pababayaan ang nasabing koponan at nananatiling bukas ang pintuan ng liga sa partisipasyon ng Gilas bilang guest team sa bubuksang 46th PBA Governors Cup ngayong buwan.
Matatandaang hati ngayon ang Gilas team matapos ang naging imbitasyon sa ilang mga players ng Japan B-League at T1 League sa Taiwan. —sa panulat ni Angelica Doctolero