Walang maiiwang pasanin at pamanang malaking utang sa susunod na administrasyon.
Ito ang iginiit ni Budget Secretary Amenah Pangandaman bilang pagsuporta sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa 2024 national budget, na gagamitin sa post pandemic recovery.
Sinabi ng kalihim, na sinusuportahan ng kanyang departamento ang hangarin ni Pangulong Marcos na walang maiiwang utang o pamanang utang para sa susunod na henerasyon.
Iiwasan anya ng pamahalaan na tumaas ang utang panlabas ng bansa kaya mayroong bahagi ng 2024 national budget na nakalaan para bayaran ang malaking pagkakautang ng gobyerno.
Pagtitiyak pa ng kalihim na patuloy iiral ang pagiging transparent ng DBM upang mamonitor ng publiko kung paano ginagamit ang pondo ng taong bayan para sa pag-unlad ng bansa.