Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos jr. na nakulangan siya sa pagtugon ng gobyerno sa matapos ang pananalasa ng bagyong ‘Kristine’ na nagresulta sa malawakang pinsala sa buhay, kabuhayan, at ari-arian.
Ginawa ni PBBM ang pahayag matapos siyang tanungin ng media hinggil sa preparasyon ng iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan, partikular na sa mga lugar na labis na napuruhan ng bagyo.
Ayon kay Pangulong Marcos, sana ay mas naging handa ang pamahalaan, lalo na’t maraming lugar ang labis na naapektuhan ng bagyo, at marami rin ang mga nasawi dahil dito.
Mababatid na maliban sa pagbaha na naranasan sa rehiyon ng Bicol, maraming residente sa batangas ang nasawi bunsod ng landslide.