Posibleng magpulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at United States President Joe Biden sa biyahe ng Pangulo sa Amerika.
Kasunod ito ng nakatakdang pagdalo ni Pangulong Marcos Jr. sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York sa Setyembre 20,2022.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Tess Daza na inaayos na ang posibleng pag-uusap ng dalawang Pangulo.
Gayunman, wala pa aniyang kumpirmasyon kung magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ang Pangulo at ni Biden.
Ang Pangulo ay bibiyahe sa New York, usa sa September 20 para dumalo sa UN General Assembly kung saan inaasahang magsasalita ito sa harap mga miyembro ng UN.