Buwan na naman ng mga puso. Hindi magpapahuli sa selebrasyong ito ang First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Sa kaniyang vlog, naging panauhin ni Pangulong Marcos ang kanyang ‘valentine’ na si First Lady Liza kung saan sila nagbigay ng tips and tricks kung paano tumibay ang isang relasyon.
Isang netizen ang humingi ng payo kay Pangulong Marcos kung paano magiging matibay at matatag ang relasyon, kagaya ng sa kanila ng First Lady.
Ang sagot ni Pangulong Marcos, “I suppose it’s just direct communication. Don’t communicate with your phone. Talk to each other face to face, don’t bother with social media when it comes to relationship. Talk to each other face to face, hold hands, walk down the beach, do something but don’t do it digitally.”
Payo naman ng First Lady, huwag magpadala sa stress.
“Don’t let stress get into you, laugh whenever you can, be grateful for what you have and we are all blessed one way or another. Just be grateful, we’ll never be perfect but just be grateful.”
Bukod sa mga ito, ibinahagi rin ni Pangulong Marcos na isa sa mga nagpapatibay ng kanilang pagsasama ni First Lady Liza ay ang pagkakaroon ng sense of humor. Aniya, kahit abala sa trabaho, dapat may panahon pa ring tumawa sa kabila ng kanilang mabigat na responsibilidad.
Sabi ni Pangulong Marcos, “One of the things really that keeps us going is the sense of humor. Dahil napakaseryoso ng trabaho namin, I was about to say we don’t bring work home but we do, because we have to. In the end we always find time to laugh about everything and to see the lighter side of things, otherwise we will go a little crazy, but I can make jokes with Liza.”
May tip din naman si Pangulong Marcos para sa mga kababayan nating ipagdiriwang ang Heart Month nang single. Ayon sa Pangulo, gawing prayoridad ang ‘self-love’ sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kalusugan, lalo na sa puso.