Hinikayat ni Senate Commitee on Women; Children; Family Relations and Gender Equality Chairperson Risa Hontiveros sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at mga kapwa senador na basahin at pag-aralang mabuti ang substitute bill o ang binagong bersyon ng Anti-teen Pregnancy Bill.
Ayon sa Senador, tinanggal na sa kanyang substitute bill ang mga linya na pinagmulan aniya ng maling pag-unawa o misinterpretation.
Umaasa anya siya na bibigyan ang nasabing panukala ng fair chance ng mga kapwa senador, partikular na ng mga bumawi ng lagda sa orihinal na bersyon nito.
Nanindigan naman ang Senador na malaki ang maitutulong ng mandatory Comprehensive Sexuality Education sa pagsugpo sa dumaraming kaso ng maagang pagbubuntis ng mga bata. – Sa panualt ni Kat Gonzales