Nagluluksa rin sina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte-Carpio matapos patayin ang dating Prime Minister ng Japan na si Shinzo Abe.
Ayon kay Marcos, maituturing na visionary leader si Abe dahil sa pagiging kaibigan at suporta nito sa Pilipinas.
Hindi naman makakalimutan ang lahat ng nagawa ni Abe noong namumuno pa ito sa Japan, kabilang na ang ilang beses nitong pagbisita sa Pilipinas at pagtulong sa isyung bilateral.
Samantala, para kay Duterte-Carpio ay isang nakakagulat ang trahedyang nangyari kay Abe na tila nagbunsod upang makita ang madilim na parte ng sangkatauhan.
Itinuturing naman ng Bise-Presidente na Great leader si Abe dahil sa pagmamahal nito hindi lamang sa Japan kundi sa Pilipinas.
Kahapon ng hapon nakumpirma ang pagkamatay ni Abe matapos barilin sa gitna ng pangangampanya nito para sa isang kandidato.