Dumalo si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa banal na misa na ginanap sa National Shrine of St. Michael the Archangels sa Malakanyang Compound.
Batay sa larawang ipinost ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), makikita na kasama ni PBBM na dumalo si Vice President Sara Duterte.
Suot ni Pangulong Marcos ay isang working barong, o barong na short sleeves habang si Vice President Duterte ay dirty white na blouse na may chinese collar at slacks na brown.
Samantala, pinangunahan naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kasama si Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo ang naturang misa.