Balik-bansa na si Pangulong Bongbong Marcos matapos ang 4 na araw na state visit sa Indonesia at Singapore.
Alas diyes bente singko kagabi nang dumating si Pangulong Marcos sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, sa Pasay City.
Sa kanyang arrival speech, ipinagmalaki ni PBBM na aabot sa P800 billion investment deal ang kanyang iniuwi mula Indonesia at Singapore.
Kabilang anya sa dalawampu’t dalawang letter of intent at memorandum of agreements na sinelyuhan ang mga investment para sa renewal energy, e-commerce, defense at agriculture sectors.
Binigyang-diin ng pangulo na makatutulong ang mga nasabing kasunduan sa economic recovery ng Pilipinas at makalilikha ng mas maraming trabaho para sa mga pinoy.