Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang pagbisita sa Vietnam.
Kasunod ito ng naging imbitasyon ni Vietnamese President Nguyen Xuan Phuc kay Pangulong Marcos sa sidelines ng APEC economic leaders’ meeting.
Sa naging pag-uusap ng Pangulo at ni Phuc, sinabi ng Vietnamese president na maituturing na “strategic partners” ang Pilipinas at Vietnam na may maraming isyung dapat pag-usapan.
Hindi naman makahindi sa paanyaya ang Punong-Ehekutibo kaya sinabing mananatili itong makikipag-ugnayan sa Vietnam para sa petsa ng pagbisita.
Matatandaang una rito, pinaunlakan na rin ni PBBM ang imbitasyon ni Vietnamese prime minister Pham Minh Chinh na state visit sa Vietnam na kinumpimra mismo ng Office of the Press Secretary.