Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Japan, kasunod sa paglagda ng dalawang bansa sa Reciprocal Access Agreement (RAA).
Sa ilalim ng RAA, palalakasin ang military collaboration ng Pilipinas at Japan sa pamamagitan ng palitan ng drills at exercises.
Magbibigay rin ito sa mga sundalong Pilipino ng oportunidad upang magkaroon ng advanced training kasama ang Japanese forces.
Dagdag pa rito, magpapaabot ng humanitarian assistance sa Pilipinas ang Japanese forces sakaling magkaroon ng sakuna at kalamidad sa bansa.
Inaasahang makaaambag ang naturang kasunduan sa kapayapaan, kaligtasan, at kaunlaran ng Indo-Pacific region.
Sa panig naman ni Japanese Defense Minister Hon. Kihara Minoru, inihayag niyang sumisimbolo ang paglagda sa RAA sa matibay na relasyon ng Pilipinas at Japan.
Nangako rin ang Japanese defense minister sa patuloy na pakikipagtulungan kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. upang mas mapahusay ang kooperasyon ng dalawang bansa sa depensa.