Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Filipino Community sa Cambodia matapos nitong dumalo sa 40th at 41st Association of South East Asian Nation (ASEAN) Summits sa Phonm Penh.
Sa kanyang Arrival Speech, pinasalamatan ng Punong Ehekutibo ang mga pagsisikap at kontribusyon ng mga Pilipino roon para sa pag-unlad ng bansa.
Una rito, tiniyak ng Pangulo sa kanyang pagharap sa Filipino Community sa Cambodia, ang patuloy na pagseserbisyo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga OFW.
Ayon sa Philippine Consulate sa Cambodia, mayroong mahigit 500 Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa nasabing bansa.