Bukas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa posibilidad na magdeklara ng State of Emergency o Calamity upang agad na matugunan ang problema sa food security ng bansa.
Ito ang binunyag ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated (PCAFI) matapos pulungin ni pangulong marcos na kasalukuyang kalihim ng department of agriculture.
Kabilang ang agarang pagdedeklara ng State of Emergency o Calamity sa rekomendasyon ng PCAFI bilang solusyon sa gitna ng naka-umang na food crisis.
Ayon kay PCAFI president Danilo Fausto, inatasan na ng punong ehekutibo ang legal team nito upang pag-aralan ang posibleng deklarasyon at tugunan ang ilang sensitibong issue na bumabalot dito.
Kabilang sa mga issue na tututukan ang prayoridad ng mga local government unit, partikular ang mga wala sa rural area at budget making process ng mga LGU.
Layunin ng deklarasyon ng State of Calamity o Emergency na magamit ng Pangulo ang kailangang financial resources upang matiyak na may sapat na pagkain para sa lahat ng Pinoy.