Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bong bong” Marcos Jr., ang Executive Order No. 28 na bubuo sa Inter-Agency Committee para tutukan ang inflation sa bansa.
Layunin nitong mapahusay ang ibat-ibang hakbangin ng pamahalaan na magpapaangat, magpapalakas, at magpapaganda sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon sa Presidential Communications Office, magsisilbing advisory body sa economic development group ang inter-agency committee on inflation and market outlook na magbabantay sa inflation partikular na sa pagkain at enerhiya.
Nakapaloob din sa EO, ang pag-reorganized at pagpapalit ng pangalan ng economic development cluster bilang edge upang masiguro ang economic growths, mapanatili ang halaga ng mga produkto at serbisyo, maging ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino.
Matatandaang lumago sa 6.4 percent ang gross domestic product o ang halaga ng mga produkto at serbisyo sa Pilipinas, mula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.