Pinangunahan ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ceremonial blessing ng dalawang ATAK helicopters ng Philippine Airforce (PAF).
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS) ang dalawang dagdag na air assets ay binili ng bansa sa turkey bilang bahagi ng modernization ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nagpasalamat ang Pangulong Marcos Jr. sa Turkish Aerospace Industries at sa gobyerno ng Turkey sa tulong na mapalakas ang Philippine military.
Kinilala rin ng pangulo ang efforts ng airforce sa ibat ibang aspeto kabilang ang external defense, internal security operations, disaster response gayundin ang relief operations.