Nananatiling buo ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior kay Vice President Sara Duterte.
Ang pagtiyak ay ginawa ng pangulo sa gitna ng sinasabing planong impeachment laban sa bise presidente dahil sa confidential fund controversy.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi nararapat na mapatalsik si VP Sara kung saan aniya babantayan nila itong mabuti.
Sabi ng presidente, hindi naman bago ang mga panawagang impeachment laban sa matataas na opisyal.
Pero hindi naman anya sapat na dahilan na kapag may hindi nagustuhan o ayaw na sa tao ay basta na lang tatanggalin.
Itinanggi rin ni PBBM na may lamat ang UniTeam bagkus ay mas lumalakas pa sila at lumalaki dahil sa nadaragdag na mga miyembro.
Binigyang diin nito na maayos ang relasyon nila ni VP Sara at kuntento rin siya sa trabaho nito bilang kalihim ng Department of Education. - sa panulat ni Jeraline Doinog