Nakatakdang dumalo si President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand.
Kinumpirma ito ng tanggapan ni Marcos, kung saan personal siyang inimbita ni Thai Chargé D’ Affaires Thawat Sumitmo sa nasabing summit na idaraos sa November 18 hanggang 19.
Ayon pa sa tanggapan ni Marcos, inimbita siya ng gobyerno ng Thailand sa isinagawang courtesy call ng ASEAN ambassadors noong Hunyo 6.
Ang Thailand ang magsisilbing host ng APEC Summit ngayong taon na nakatutok sa ligtas at kumbinyenteng cross-border travel upang makarekober ang ekonomiya mula sa COVID-19 pandemic.