Hinimok ng isang Health Reform Advocate si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumuo ito ng Council of Advisers na makakatulong sa administrasyon para labanan ang krisis sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Anthony Leachon, dating adviser ng National Task Force Against COVID-19, ito ay para agad na makapagbigay ng opinion sa pangulo ang mga naturang indibidwal.
Pinangalanan naman niya ang mga doktor na sina Rontgene Solante, Edsel Salvaña at ang Philippine College of Physicians gayundin ang Philippine Medical Association bilang mga potensyal na miyembro ng panukalang COVID Advisory Council.
Una nang ipinatawag ng Malakanyang ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) para tugunan ang COVID-19 pandemic matapos ang initial outbreak nito sa Wuhan, China.