Iginiit ng United Broilers and Raisers Association na dapat nang magtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng kalihim para sa Department of Agriculture.
ito ay upang mas matutukan ang problema at pangangailangan ng mga kababayan nating magsasaka, partikular na ang mga lugar na pinadapa ng mga nagdaang bagyo.
nabatid na ipinangako ng pangulo, na kaniyang babawasan ang importasyon ng mga produkto sa sektor ng agrikultura upang masolusyonan ang malaking gastos ng farmers sa bansa.
Ayon sa UBRA, mas dumami ang imported products na ibinibenta sa mga pamilihan kabilang na dito ang asin at asukal; manok at baboy; maging ang prutas at gulay.
Iginiit ng grupo na hindi parin nakakabawi at patuloy paring nalulugi ang mga magsasaka matapos ang inilaang puhunan.
Sa kabila nito, umaasa ang ubra na tutugunan at matutulungan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga filipino farmers sa gitna narin ng pandemiya.