Deadma si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior sa panawagan ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ni Interior And Local Government Secretary Benhur Abalos na hindi na napag-usapan pa sa sectoral meeting ang isyu kung saan naging sentro ng talakayan kung paano mapapalakas ang kampanya sa cybercrime.
Ngunit muling nanindigan ang kalihim na isang paglabag sa konstitusyon kung may magtatangkang ihiwalay ang mindanao sa pilipinas.
Sa usapin naman kung maaring ihabla si dating pangulong Duterte sa naging pahayag nito, giit ni Secretary Abalos na nasa kamay na ng Department of Justice ang desisyon. – sa ulat mula kay Gilbert Perdez ( Patrol 13).